Isinuko ko ang "Bataan" sa kasing edad ng magulang ko - DJ Raqi's Secret Files (July 19, 2018)
Love Radio Manila Love Radio Manila
1.73M subscribers
1,819,188 views
0

 Published On Jul 19, 2018

Bata pa lang ako, nagsusumikap na kong makatulong sa magulang ko. Naranasan namin ang hirap at lumipas ang ilang taon, ganoon ang naging takbo ng buhay namin. Nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat, mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya ko. Dumating ang panahon na hindi na ako makatuloy sa aking pag-aaral, kaya sinubukan kong maghanap ng trabaho at mamasukan bilang katulong at dancer sa club.

Hanggang sa isang araw, may nag-aya sa aking lumabas na isang Hapon. Matagal na niya akong nililigawan, pero hindi ko siya pinapansin. Pero dahil regular customer siya ng club namin, pumayag ang manager namin. Lumabas kami pero kasama ang mga katrabaho ko, at yun na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Lumipas ang araw, at napapadalas ang aming paglabas. Mabait at hindi bastos yung Hapon na nanligaw sa akin, may edad na siya pero hindi halata sa mukha niya. Para na ring tatay ang turing ko sa kanya at sabi niya, para na rin daw niya akong anak.

Dumating sa point na nagkaaminan na kami ng tunay naming nararamdaman sa isa't-isa. At noong nakabalik na kami sa aking probinsya, tsaka ko ibinigay ang tiwala at virginity ko sa kanya.

#SecretFiles
#RaqiTerra
#LoveLang

show more

Share/Embed