It’s Showtime May 8, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.23M subscribers
363,225 views
0

 Published On May 8, 2024

Reward yourself with happiness kasama ang “Showtime” family, madlang people!

Naghatid si JM Dela Cerna ng espesyal na regalo – isang harana na siguradong magpapakilig at magpapangiti sa’yo. Binalikan din ni JM ang special moments sa nagdaang “New Gen Champs” concert ng “Tawag Ng Taghalan” at “Idol Philippines” champions.

Kids, camera, action! Tuloy lang ang mga eksena ng tawanan at good vibes sa “Showing Bulilit.” Intense ang aktingan ng “Showtime” kids na sina Jaze, Kulot, Argus, at Kelsey – may nag-drama at action, at may kasamang kaunting comedy.

Mukhang na-master na ni Meme Vice Ganda ang mabilis na pagpindot ng buzzer. Pero, sa huli, panalo pa rin ang team nina Jhong Hilario at Lassy na naka-perfect sa jackpot round.

Nagsayang lang ba si Julianna ng sampung taon sa isang ‘nonchalant’ na karelasyon? For today’s “EXpecially For You,” kilalanin ang ‘farm girl’ na si Julianna. Sa halip na ex-partner ang kasama, ang kapatid n’yang si Edward ang ka-tandem n’ya sa pagkilatis sa tatlong searchees.

Kwento ni Julianna, tumagal ng isang dekada ang relasyon n’ya sa ex na siya ring first boyfriend niya. Pinili niyang mag-stay sa relasyon kahit pakiramdam niya’y siya lang ang nagbibigay ng effort, hanggang sa isang aksidente ang nagsilbing wake-up call niya para tapusin na ang pagdurusa.

Matinding talento at school spirit ang ipinamalas ng dalawang daily contenders sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumalang sa kantahan si Charmelle Badiola ng Ateneo De Naga University na bumirit ng “I Dream A Dream.” Palaban din ang pambato ng Urdaneta City University – si Lala Pabunan, na umawit ng “Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin Lamang.”

Sa huli, lumamang si Charmelle na nakakuha ng grado na 92% mula kina ‘hurado’ Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at Dingdong Avanzado. Dikit naman ang naging marka ni Lala na 91.7%.

#KapamilyaOnlineLive
#itsshowtime
#ShowtimeFunMAYlakasan

show more

Share/Embed